MAHAL KA NI HESUS

posted under by Sarj

Maginaw ang ihip ng amihan

At kaysarap pakinggan

Himig ng Kapaskuhan

Ang lahat ay nagkakasiyahan

Lahat ay ipinagdiriwang

Kapanganakan ng Prinsipe ng Kapayapaan

Ang bugtong na anak ng Maykapal

Naparito sa sanlibutan upang

Iligtas ang bawat nilalang

Hesus, Buhay na Walang Hanggan

Estrelyang Kaningning-ningningan

Siya ang Daan, Katotohanan at Buhay

Umiibig sa iyo nang tunay

Sadyang dakila pagsinta Niyang dalisay

Mabiyayang Kapaskuhan! ;)

0 comments

Make A Comment

top