STILLWATERS

posted under by Sarj


Silahis ng langit sa dagat na bughaw,

Talindaw na himig, along kaydadalang,

Imbayog ng bangka sa bawat paglakbay,

Layag na payapa ang pabaon ni Amang;

Lambot ng payak at mapinong buhangin,

Waligwig ng ambon sa puno’y may lilim

Alindog, kariktan, yumi ng tanawin

Takdang sa pag-ahon, himlayang gupiling...

Estrelyang sinilang sa gabi S’yang gabay

Rayama hanggang sa pagsikat ng araw

Siyang kapiling sa paraisong lantay.



Shines of heaven to the blue ocean,

The native rowing song, the gentle waves

In every journey as the boat dances

Lots of peaceful sails our Father gave;

Living land lighted and so smooth and light

Water flowing forever, fountain of life

Awe, beauty and charm of the scenery

That resting-place is indeed the destiny!

Ever Star that was born, at night ‘tis the guide

Rises new every morning with Him

So until the life in paradise.








0 comments

Make A Comment

top